Tanging Anak na tunay
Tanging Anak na tunay
1
|
Tanging Anak na tunay, Larawan ng Di-yos; Bahagi Ka ng banal, Mana naming lubos. Sa lahat ng nilalang, Ikaw ang Panganay; Sa Iyo sila’y nilikha, Nang I-yong mataglay. |
2
|
Nauna Ka sa lahat Ikaw nagbubuo Lahat nananatili Nang dahil sa I-yo. Ika’y nangunguna sa Pagkabuhay-muli; Ekklesia’y Katawan Mo, Ulong mal’walhati! |
3
|
Puspos nanahan sa ’Yo, Minag’ling ng Ama, Upang aming matanto Lagi Kang manguna. Dahil sa dugo sa krus, Lahat nagkasundo; Walang bahid nga kami, Sa Diyos iharap Mo. |
4
|
Sa Iyo’y nananahan Puspos ng pagka-Diyos; Yaman ng karunungan Naging aming tustos. Pag-asa ng l’walhati Sa ’min nananahan Sa Iyo ay sakdal kami, Diyos ay nasiyahan. |
5
|
Pawang mga anino Ang bagay sa mundo. Ikaw lamang ang tunay, Manga-ugat sa Iyo. Ang Iyong kayamanan ay Sa ami’y magpuspos. Aming tatamasahin At lumagong lubos. |
6
|
Sa Iyo nakatago ang Aming buhay sa Diyos; Lahat Ka sa ’ming buhay, ’Ming pahingang lubos. Dito sa Bagong Tao, Ika’y lahat-lahat; Aming Kristong masaklaw, Sa I-yo’y tatawag. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?