Napakayaman Mo sa ’min

C161 CB193 E193 G193 K161 P102 R348 T193
1
Napakayaman Mo sa ’min,
Lahat Ka sa amin;
Anumang aming kailangan,
Iyong natutugunan.
Puso ko sa Iyo’y humanga,
’Spiritu’y sumamba;
Nagpapasalamat sa Iyo,
Nakita’ng yaman Mo.
2
Propetang ’binangon ng Diyos,
Sinalita ang Diyos;
Tulad ni Moises nagturo,
Makita’ng layon Mo.
Tulad ni Jonas ’sinugo,
Naghayag simbolo;
Kamataya’t pagkabuhay
Nang sumamp’lataya.
3
Propetang mula sa tao,
Liwanag Mo’y puno,
Tulad ni Elias may ’sinta
Gumawang himala.
Tulad ni Isaias may b’yaya
Kristo’y ’pinakita
Tamasahin Kristong tanan,
Praktikal, mayaman.
4
Saserdoteng mula sa ’min,
Banal, dalisay rin;
Tinawag tulad ni A’ron,
Naglingkod Kang gayon.
Sa pag-ibig ’ko’y dinala,
Sa harap ng Diyos nga;
Saserdoteng Mataas Ka,
Pinasan ’king hina.
5
Saserdoteng Diyos nagsugo,
Panghari’t dibino;
Gayang Hari ng Salem nga,
Sa Diyos naglingkod Siya.
Ang dala’y alak, tinapay,
Panustos kong tunay;
Melchisedek ang may dala,
Diyos aking tamasa.
6
Haring kay David katulad,
Nais ng Diyos hangad;
Nakipagbaka’t tumalo,
Kaaway ginupo.
Hindi sa kamay ng tao,
Lumuklok sa trono;
Sa awtoridad dibino
Naghari sa tao.
7
Gaya’y Haring Salomon nga,
Pamuno’y payapa;
Sa karunungan namuno,
Templo’y itinayo.
Sa gitna ng mga banal,
Haring may pagmahal;
Sa darating na panahon,
Haring tulad ngayon.
8
Saserdote Ka’t propeta,
Haring anong ganda;
Sa tao’t Diyos Iyong halaga
Kahanga-hanga nga.
Sa kung ano Ka umibig,
Iyong inakit higit;
Sa Iyo’y handog ’samba’t ’puri,
Hindi na mapawi.