Poon, mayaman Ka sa ’min

C152 CB187 E187 K152 P95 R306 T187
1
Poon, mayaman Ka sa ’min,
Pag-ibig anong lalim!
Sarili Mo’y kay sagana,
Ika’y aming tamasa.
2
Ika’y Salita at Diyos pa,
Una pa’y Diyos kasama,
Naging laman, naging tao
Diyos sinabi sa tao.
3
Tabernakulo ng Diyos Ka,
Sa Iyo glorya’y nakita;
Tunay na templo ng Diyos Ka,
Sa Iyo, Diyos nakatira.
4
Bugtong na Anak ng Diyos Ka,
Inihayag ang Ama;
Buhay ng Diyos aking angkin,
Kalikasan Niya’y akin.
5
Anak ng Tao tulad ko
Likas ng tao sa Iyo,
Maging Anak ng Diyos ako
Mapunan ng glorya Mo.
6
Mesiyas na pinahiran,
Panginoon ng tanan;
Lahat na nasa lahat Ka,
Sa tao’t Diyos tinakda.
7
Manliligtas na napako,
Dugo’t tubig nabubo;
Nang tayo’y matubos ng Diyos,
Taglay ang buhay ng Diyos.
8
Hesus na nal’walhati na,
’Spiritu’y pinababa;
’Spiritung nagpalo’b tanan,
Ika’y katamasahan.
9
Dibinong Ilaw ng buhay,
Sa dilim nagtatanglaw;
Puso ko’y niliwanagan,
Nang ako’y mapuspusan.
10
Buhay ng Diyos na dibino,
Bumuhay sa ’spiritu;
Laya na sa kamatayan,
Tamasa’y kayamanan.
11
Ika’y realidad ng Diyos,
Kaluguran din ng Diyos;
Realidad Mo sa amin,
Di maubos gamitin.
12
Tanging daan ng buhay Ka,
Nagdala sa glorya;
Daan ng realidad Mo,
Tagumpay dulot nito.
13
Pagkabuhay-na-muli Ka,
Kam’tayan dinaig na;
Sa kapangyarihan nito,
Kasama Kitang lalo.
14
Walang dungis na Kordero,
Naging katubusan ko;
’Spiritung nagbigay-buhay,
Buhay aking mataglay.
15
Tansong ahas na ’tinaas
Sa sala ’ko’y niligtas;
Sa krus Ikaw nga’y pinako,
Nang mawasak ang dyablo.
16
Nagpalaya sa kulungan,
O Pastol at pintuan!
D’hil sa Iyo may kalayaan,
Pahinga sa pastulan.
17
Kami ay Iyong nilinisan,
Tulad sa hugasan;
Ingatan sa salam’ha,
Tamasa Iyong biyaya.
18
Batong nabiyak sa amin,
Tubig buhay ’daluyin;
Inuming tubig, sariwa
Sa gapos mapalaya.
19
Ika’y bukal makalangit,
Tubig na buhay tigib;
Iniinom ang buhay Mo,
Uhaw ay pinawi Mo.
20
Tinapay mula sa langit,
Dibino’t napalapit;
Dala’y kasaganaan Mo,
Binusog ’spiritu ko.
21
Hininga ng buhay namin,
Ika’y dapat langhapin;
Sa Iyo’y mamuhay, gumawa,
Katamasahan Ka nga.
22
Butil ng trigong namatay,
Sa l’walhati nabuhay;
Tayo’y Kanyang ibinunga,
Katawang mahiwaga.
23
Punong-ubas na dibino,
Kami’y mga sanga Mo;
Sa Iyo’y inugpong, tumira,
Tanan Ka ngang tamasa.
24
Kasintahang-Lalake Ka,
Kami nama’y Iyong Nobya;
Sa ’spiritu nagkaisa,
Tamasa’y Iyong pagsinta.
25
’Tanaw ni Jacob na hagdan,
Langit sa Iyo’y nabuksan;
Lupa’t langit walang hadlang,
Sa Diyos, kami’y tahanan.
26
Poon, dakilang “AKO NGA”
Kailangan ko’y Iyong kaya;
Tamasahin bilang lahat,
Layon ng Diyos matupad.