Aming paggunita sa Iyo
Aming paggunita sa Iyo
1
|
Aming paggunita sa Iyo Ay pagsamba sa Iyo Mismo; Minamahal, mahalaga, Mayaman, kamangha-mangha. |
Angkop Ka sa kailangan ko, Puri’y umapaw sa puso! Nasisiyahan akong lubos, Di-masaid ang Iyong tustos. |
|
2
|
Diyos na tunay at malinaw, Diyos na pag-ibig at ilaw; Bilang Diyos, buhay Ka sa amin, Diyos na mapagbiyaya rin. |
3
|
Tao Kang matimyas, tunay, Pino, mabuti’t dalisay; Puso ng Diyos nilugod Mo, Nabihag Mo ang puso ko. |
4
|
Mababang alipin Ka rin, Naglingkod para sa amin; Sumunod hanggang mamatay, Nang kami’y mabigyang buhay. |
5
|
Bukod dito ay Hari Ka, Pinahiran ng Diyos Ama; Ayon sa buhay naghahari, Kami Iyong kasamang hari. |
6
|
Sa pag-alaala sa Iyo Sarili Mo ay matamo; Sa pag-ibig, Ika’y tamasa, Kami ay Iyong kapareha. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?