Juan 1:29; 3:14; 12:24
1
Walang dungis na Kordero,
Pinatay at nagdugo.
Tinubos ang mak’salanan,
Lubos Niyang hinugasan.
Ang Korderong Manunubos,
Aking sala’y dinala,
Aking sala’y dinala!
Pinatay at nagdugo.
Tinubos ang mak’salanan,
Lubos Niyang hinugasan.
Ang Korderong Manunubos,
Aking sala’y dinala,
Aking sala’y dinala!
2
Masdan natin, tansong ahas,
Anak-Tao’y ’tinaas.
Anyo ng laman ng sala,
Sa krus ay napako Siya.
Nilipol—lumang nilalang,
Satanas, sanlibutan,
Satanas, sanlibutan!
Anak-Tao’y ’tinaas.
Anyo ng laman ng sala,
Sa krus ay napako Siya.
Nilipol—lumang nilalang,
Satanas, sanlibutan,
Satanas, sanlibutan!
3
Butil ng trigo’y mag-isa,
Kung kamataya’y wala;
Nasa loob nitong buhay,
Itanim nang mamatay.
Tutubo buhay ni Kristo,
Bunga’y maraming trigo,
Bunga’y maraming trigo!
Kung kamataya’y wala;
Nasa loob nitong buhay,
Itanim nang mamatay.
Tutubo buhay ni Kristo,
Bunga’y maraming trigo,
Bunga’y maraming trigo!
4
Tansong ahas—D’yablo’y wak’san,
Kordero—katubusan,
Butil ng trigo—pagdami,
Hinalo sa marami.
Aleluya! Aleluya!
Kamatayang masaklaw,
Kamatayang masaklaw!
Kordero—katubusan,
Butil ng trigo—pagdami,
Hinalo sa marami.
Aleluya! Aleluya!
Kamatayang masaklaw,
Kamatayang masaklaw!
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?