Tanging Anak na tunay

C163 CB189 D189 E189 F29 G189 K163 P98 R137 S87 T189
1
Tanging Anak na tunay,
Larawan ng Di-yos;
Bahagi Ka ng banal,
Mana naming lubos.
Sa lahat ng nilalang,
Ikaw ang Panganay;
Sa Iyo sila'y nilikha,
Nang I-yong mataglay.
2
Nauna Ka sa lahat
Ikaw nagbubuo
Lahat nananatili
Nang dahil sa I-yo.
Ika'y nangunguna sa
Pagkabuhay-muli;
Ekklesia'y Katawan Mo,
Ulong mal'walhati!
3
Puspos nanahan sa 'Yo,
Minag'ling ng Ama,
Upang aming matanto
Lagi Kang manguna.
Dahil sa dugo sa krus,
Lahat nagkasundo;
Walang bahid nga kami,
Sa Diyos iharap Mo.
4
Sa Iyo'y nananahan
Puspos ng pagka-Diyos;
Yaman ng karunungan
Naging aming tustos.
Pag-asa ng l'walhati
Sa 'min nananahan
Sa Iyo ay sakdal kami,
Diyos ay nasiyahan.
5
Pawang mga anino
Ang bagay sa mundo.
Ikaw lamang ang tunay,
Manga-ugat sa Iyo.
Ang Iyong kayamanan ay
Sa ami'y magpuspos.
Aming tatamasahin
At lumagong lubos.
6
Sa Iyo nakatago ang
Aming buhay sa Diyos;
Lahat Ka sa 'ming buhay,
'Ming pahingang lubos.
Dito sa Bagong Tao,
Ika'y lahat-lahat;
Aming Kristong masaklaw,
Sa I-yo'y tatawag.