Banal na lunsod at Panginoon

C772 E973 K772 P493 S452 T973
1
Banal na lunsod at Panginoon,
’Ting mal’walhating bahagi’t layon;
Katawa’y rito, espiritu’y roon
Kasama ni Hesus nagpupulong,
Kasama ni Hesus nagpupulong.
2
Bagong Herusalem, hangad ng Diyos,
Banal na lunsod ng Diyos at tao;
Mga banal sa dugo’y tinubos,
May bahaging matamasa rito,
May bahaging matamasa rito.
3
Banal na lunsod, t’wing aking masdan,
Nais makita mukha ni Hesus;
Tawag Niya sana’y mapakikinggan,
Sa lunsod matamasa Siyang lubos,
Sa lunsod matamasa Siyang lubos.
4
Hangad ko’y hindi kapahingahan,
Pag-asa ko’y hindi pagpapala,
Kundi Panginoon, kal’walhatian,
Ang bahagi ko at gantimpala,
Ang bahagi ko at gantimpala.
5
Ayon sa ibig ko, Panginoon,
Kunin Mo ang nagmamahal sa Iyo;
Ako’y galakin sa bayang yaon,
Kaisang tahana’t l’walhati Mo,
Kaisang tahana’t l’walhati Mo.
6
“Lahat ng bagay ay pawang bago,”
Bagong langit, lupa’t tanang bagay!
Maging bahagi nati’y Diyos Mismo,
Bumalik Ka agad, kami’y ’taglay,
Bumalik Ka agad, kami’y ’taglay.