Ang ekonomiya ng Diyos

C779 CB981 D981 E981 K779 P499 R726 S458 T981
1
Ang ekonomiya ng Diyos.
Kristo mamunong lubos;
Nang Siyang Ulong nangunguna,
Lahat magkakaisa.
2
Kristo’y Ulo, Sentro nga Siya,
Ilaw ang Diyos sa lo’b Niya;
Kristo at Diyos nasa trono,
Natupad Kanyang gusto.
3
Kristo’y buhay nilalaman,
Mga banal sisidlan;
Siya’y namuno sa liwanag,
Glorya Niya’y inihayag.
4
Itinurok ng Diyablo
Sarili niya sa tao;
Dala’y dilim, kasiraan,
Balak Niya’y mahadlangan.
5
Kristo Mismo namahagi
Ng buhay Niyang Sarili
Tao’y niligtas sa dilim,
Tao’y di na paalipin.
6
Sa ekklesiang Katawan Niya,
Lahat ’sakop sa Isa;
Tanan ay magkakatugma,
Maliit ma’t dakila.
7
Sa ’lalim ni Kristong Ulo,
Sa pagka’isa’y iiral;
Sa liwanag ng Ekklesia,
Lahat napasa Isa.
8
Bilang Ulo kinilala,
Lahat aayos na nga;
Sa pagsinag ng Katawan,
Lahat may kalayaan.
9
Wala nang dilim, kas’raan,
Wala nang kamatayan;
Lahat nasa kalayaan,
Hanggang sa walang hanggan.