Ang ekonomiya ng Diyos
Ang ekonomiya ng Diyos
1
|
Ang ekonomiya ng Diyos. Kristo mamunong lubos; Nang Siyang Ulong nangunguna, Lahat magkakaisa. |
2
|
Kristo'y Ulo, Sentro nga Siya, Ilaw ang Diyos sa lo'b Niya; Kristo at Diyos nasa trono, Natupad Kanyang gusto. |
3
|
Kristo'y buhay nilalaman, Mga banal sisidlan; Siya'y namuno sa liwanag, Glorya Niya'y inihayag. |
4
|
Itinurok ng Diyablo Sarili niya sa tao; Dala'y dilim, kasiraan, Balak Niya'y mahadlangan. |
5
|
Kristo Mismo namahagi Ng buhay Niyang Sarili Tao'y niligtas sa dilim, Tao'y di na paalipin. |
6
|
Sa ekklesiang Katawan Niya, Lahat 'sakop sa Isa; Tanan ay magkakatugma, Maliit ma't dakila. |
7
|
Sa 'lalim ni Kristong Ulo, Sa pagka'isa'y iiral; Sa liwanag ng Ekklesia, Lahat napasa Isa. |
8
|
Bilang Ulo kinilala, Lahat aayos na nga; Sa pagsinag ng Katawan, Lahat may kalayaan. |
9
|
Wala nang dilim, kas'raan, Wala nang kamatayan; Lahat nasa kalayaan, Hanggang sa walang hanggan. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?