Kaharian ngayon ay pagsasanay

C751 CB947 E947 G947 K751 P476 R683 S431 T947
1
Kaharian ngayon ay pagsasanay,
Sa hinaharap, gantimpala’y taglay;
Karunungan ng Diyos ang sanayin tayo,
Upang Siya’y mahayag at matupad plano.
2
Bilang anak ng Diyos, tayo ay laan,
Magharing sama-sama sa kaharian;
Sa paghari kailangan nating masanay,
Upang Siya’y maghari sa lahat ng bagay.
3
Dapat tayong magpasakop sa Kanya,
Hayaang Siya ang mamuno at magpasya;
Sa awtoridad Niya’y makakabahagi,
Sa mga bansa, kasama Niyang maghari.
4
Matuwid at mahigpit sa sarili,
Maamo sa kapwa, sa Diyos galak lagi;
Sa r’yalidad ng kaharian maglagi,
Upang sa kahayaga’y handang maghari.
5
Pagbalik ni Kristo upang maghari,
Kasama Niya sa trono ating bahagi;
Dahil sa atin kat’wiran Niya’y mahayag,
Dibinong karunungan Niya’y maitanyag.
6
Apostol nagtumulin sa hangganan,
Nalugi upang matamo kaharian;
Kay Hesus ’ging tapat, tayo’y inatasan,
Nang sa kaharian magantimpalaan.
7
Sa kaharian, kami’y biyayaan,
Masanay upang gantimpala’y makamtan,
Mabuhay sa r’yalidad ng kaharian,
Gantimpala’y mismong kanyang kahayagan.