1
Kaharian ngayon ay pagsasanay,
Sa hinaharap, gantimpala'y taglay;
Karunungan ng Diyos ang sanayin tayo,
Upang Siya'y mahayag at matupad plano.
Sa hinaharap, gantimpala'y taglay;
Karunungan ng Diyos ang sanayin tayo,
Upang Siya'y mahayag at matupad plano.
2
Bilang anak ng Diyos, tayo ay laan,
Magharing sama-sama sa kaharian;
Sa paghari kailangan nating masanay,
Upang Siya'y maghari sa lahat ng bagay.
Magharing sama-sama sa kaharian;
Sa paghari kailangan nating masanay,
Upang Siya'y maghari sa lahat ng bagay.
3
Dapat tayong magpasakop sa Kanya,
Hayaang Siya ang mamuno at magpasya;
Sa awtoridad Niya'y makakabahagi,
Sa mga bansa, kasama Niyang maghari.
Hayaang Siya ang mamuno at magpasya;
Sa awtoridad Niya'y makakabahagi,
Sa mga bansa, kasama Niyang maghari.
4
Matuwid at mahigpit sa sarili,
Maamo sa kapwa, sa Diyos galak lagi;
Sa r'yalidad ng kaharian maglagi,
Upang sa kahayaga'y handang maghari.
Maamo sa kapwa, sa Diyos galak lagi;
Sa r'yalidad ng kaharian maglagi,
Upang sa kahayaga'y handang maghari.
5
Pagbalik ni Kristo upang maghari,
Kasama Niya sa trono ating bahagi;
Dahil sa atin kat'wiran Niya'y mahayag,
Dibinong karunungan Niya'y maitanyag.
Kasama Niya sa trono ating bahagi;
Dahil sa atin kat'wiran Niya'y mahayag,
Dibinong karunungan Niya'y maitanyag.
6
Apostol nagtumulin sa hangganan,
Nalugi upang matamo kaharian;
Kay Hesus 'ging tapat, tayo'y inatasan,
Nang sa kaharian magantimpalaan.
Nalugi upang matamo kaharian;
Kay Hesus 'ging tapat, tayo'y inatasan,
Nang sa kaharian magantimpalaan.
7
Sa kaharian, kami'y biyayaan,
Masanay upang gantimpala'y makamtan,
Mabuhay sa r'yalidad ng kaharian,
Gantimpala'y mismong kanyang kahayagan.
Masanay upang gantimpala'y makamtan,
Mabuhay sa r'yalidad ng kaharian,
Gantimpala'y mismong kanyang kahayagan.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?