Diyos noon pa ay naghirang

1
Diyos noon pa ay naghirang
Diyos di tayo binitiwan
Kaligtasan katiyakan
Batid natin kailanpaman.
2
Pangako ng salita Niya,
Ang buhay na walang hanggan,
Wala ng kapahamakan,
Ni maagaw ng sinuman.
3
Ang Diyos sa mga anak Niya
Nagsalita ng babala;
Kung ‘di handa pagbalik Niya,
Parusa ‘di gantimpala.
4
Gantimpala’y ‘di biyaya
Ni buhay na walang hanggan;
Nababatay kung paano
Tayo magtayo’t tumakbo.
5
Tulad ni Moises tumuon,
Sa kaharian, Pangino’n;
Bayan ng Diyos ang kasama
Sa premyo kahit magdusa.
6
Ehiptong lupa at yaman,
Iwan dahil kasalanan;
Iwasan kaparusahan
Sa Kristong dusa’y yayaman.
7
Kung itabi ang kalul’wa
Buhay kalul’wa mawala
Sa kaharian ni Kristo
Kaluluwa’y matatamo;
8
Si Kristo’y maisagawa
Dapat sa ating kalul’wa;
Sa pagbayad ng halaga
Kaluluwa’y matamo Niya.