Ang kaharian ng Diyos
Ang kaharian ng Diyos
1
|
Ang kaharian ng Diyos, Pamu’no Niyang lubos, Kanyang pamamahala, Kaayusan pa nga. Sa kaharian ng Diyos, Awtoridad lubos; Kanya ang kagustuhan, Magpakailanpaman. |
2
|
Sentro ng kaharian, Ang Kanyang luklukan, Diyos lamang dapat sundin, Sa Kanyang layunin. Hari sa kaharian Kanya na ang tanan Sadya ang pamunuan, Kanyang hinawakan. |
3
|
Sa paghahari Ni-ya Layon Niya ginawa, Sa pamamahala Niya Natupad nais Niya. Tangi sa kaharian, Pagpa’la’y nakamtan, Mula sa trono ng Diyos, Ilog buhay ’agos. |
4
|
Magpasakop sa Kanya Ugat ng pag’pala; Magrebelde sa Kanya, Ugat na masama. Layon ng sama’t d’yablo, Ibagsak ang trono; Ating layon at lugod, Sa Diyos magpasakop. |
5
|
Sa kaharian ng Diyos, Kristo’y hayag lubos; Sa buhay Siya’y naghari Ama’y mal’walhati. Nang Diyos ang namahala, Lahat pinagpala; Nang Kristo’y namahala, Glorya ng Diyos hayag. |
6
|
Kapuspusan ng tiempo, Lahat pai-sang Ulo; Tanan Siya’y kikilanlin, Pamuno’y tanggapin. Magloryang pamahala, Tikim ng Ekklesia, Kung pa’sakop sarili Kaharia’y dagli. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?