Ang kaharian ng Diyos

C745 CB941 E941 G941 K745 R338 S426 T941
1
Ang kaharian ng Diyos,
Pamu’no Niyang lubos,
Kanyang pamamahala,
Kaayusan pa nga.
Sa kaharian ng Diyos,
Awtoridad lubos;
Kanya ang kagustuhan,
Magpakailanpaman.
2
Sentro ng kaharian,
Ang Kanyang luklukan,
Diyos lamang dapat sundin,
Sa Kanyang layunin.
Hari sa kaharian
Kanya na ang tanan
Sadya ang pamunuan,
Kanyang hinawakan.
3
Sa paghahari Ni-ya
Layon Niya ginawa,
Sa pamamahala Niya
Natupad nais Niya.
Tangi sa kaharian,
Pagpa’la’y nakamtan,
Mula sa trono ng Diyos,
Ilog buhay ’agos.
4
Magpasakop sa Kanya
Ugat ng pag’pala;
Magrebelde sa Kanya,
Ugat na masama.
Layon ng sama’t d’yablo,
Ibagsak ang trono;
Ating layon at lugod,
Sa Diyos magpasakop.
5
Sa kaharian ng Diyos,
Kristo’y hayag lubos;
Sa buhay Siya’y naghari
Ama’y mal’walhati.
Nang Diyos ang namahala,
Lahat pinagpala;
Nang Kristo’y namahala,
Glorya ng Diyos hayag.
6
Kapuspusan ng tiempo,
Lahat pai-sang Ulo;
Tanan Siya’y kikilanlin,
Pamuno’y tanggapin.
Magloryang pamahala,
Tikim ng Ekklesia,
Kung pa’sakop sarili
Kaharia’y dagli.