Ang Diyos ay bumangon nawa
Ang Diyos ay bumangon nawa
1
|
Ang Diyos ay bumangon nawa, Mangalat kaaway Niya; Sa apoy tunaw ang pagkit, Masama’y pasalangin din. Matutuwa ang mat’wid Matagumpay ang tinig, Magsiawit ng papuri Sa Diyos awit papuri! |
2
|
Nangangabayo sa ilang, Dinadala banal Niya. Ama ng mga ulila Subok na kanlungan Siya. Kay laking kaligtasan Sa banal Niyang tahanan – Aleluya! Aleluya! Aleluya, Amen! |
3
|
Ang mapag-isa at api, Tahanan nasumpungan; Nilabas mga bilanggo Tungo’y kaginhawahan. Biyaya nga sa kawan – Diyos naghanda, tahanan Aleluya, aleluya, Aleluya, Amen! |
4
|
Panginoong matagumpay Binalita’y pagwagi Naghayag mga babae – Tumakas hukbong hari! Walang pawis at hirap; Sa bahay samsam hinati! Aleluya, aleluya, Aleluya, Amen! |
5
|
Kristong umakyat sa langit, Mga bihag dinala; Siya’y nanahan sa kanila Kaloob mapasakdal. Tayong magkapatiran, Natranspormang bihag nga! Aleluya, aleluya, Aleluya, Amen. |
6
|
Papuri sa Diyos kailanman: Pasan Niya ating pasan, Maging Diyos ng kaligtasan Nagbunyi papuri Niya. Mula sa kamatayan, Kaaway nilabanan! Aleluya, Aleluya, Aleluya, Amen. |
7
|
Ang Iyong mga lakad O Diyos ay kanilang nakita, Sa Iyong banal na santuario, Tinig ng puri’y lubos. Mang-aawit nangunguna Ulit-ulit pagpapala; Aleluya, aleluya, Aleluya, Amen! |
8
|
Munting Benjamin namuno Anak ng kapanglawan Kasunod Judang may setro Sa kanan ng Diyos masdan. Zabulon at Nepthali Masayang nagbunyi Ng balita, Aleluya, Aleluya, Amen. |
9
|
Mula sa mal’walhating Diyos Kalakasan inutos; Palakasin nawa ng Diyos Gawa Niya para sa tin. Taasan pa ang papuri Hanggang lupa’y gumanti; Aleluya, aleluya Aleluya, Amen. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?