Ika’y patotoo ng Diyos
Ika’y patotoo ng Diyos
1
|
Ika’y patotoo ng Diyos, Magaling sa utos; Utos Iyong anino lamang Ika’y katunayan. Diyos, pinaliwanag nito, Pinalinaw lalo; Realidad ng Diyos Ka nga, Diyos sa Iyo’y tumira. |
2
|
Sagisag Mo rin ang kaban, Na may kautusan; Sa loob Mo’y may Diyos naman, Sa Iyo tumatahan. Kaban yari sa akasia, Ginto bumalot pa; Pagka-tao at pagka-Diyos, Maihalong lubos. |
3
|
Tabernakulong tunay Ka, Diyos sa Iyo’y tumira; May biyaya, naging laman. May katotohanan. Sa Iyo l’walhati nakita, Ikaw ang Salita; Salita’t gawa naghayag, Pag-ibig, liwanag. |
4
|
Sagisag Mo’y templo ng Diyos, Bahay Ka ng Di-yos; Buong Diyos sa Iyo nanahan, Hayag kapuspusan. Kahit ang dyablo’y nangwasak, Bilang Ka sa patay, Sa pagkabuhay ’tinayo. Mas malaking templo. |
5
|
Lunsod Banal napakita, Larawan ng Nobya; Nahayag Iyong karagdagan, At Iyong kapuspusan. Sa lo’b Mo ang Diyos na ilaw, Ilawan ay Ikaw, Sa lunsod nagliliwanag, Glorya ng Diyos hayag. |
6
|
Kaban ma’t tabernakulo, Utos, lunsod, templo; Pawang sagisag Mo Mismo. Hinayag yaman Mo. Sentro’t paligid ay Ikaw Ang lahat ay Ikaw; Diyos, tao sa Iyo nakita, Aming Sinisinta. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?