Ika’y patotoo ng Diyos

C160 CB194 E194 G194 K160 P101 R142 T194
1
Ika’y patotoo ng Diyos,
Magaling sa utos;
Utos Iyong anino lamang
Ika’y katunayan.
Diyos, pinaliwanag nito,
Pinalinaw lalo;
Realidad ng Diyos Ka nga,
Diyos sa Iyo’y tumira.
2
Sagisag Mo rin ang kaban,
Na may kautusan;
Sa loob Mo’y may Diyos naman,
Sa Iyo tumatahan.
Kaban yari sa akasia,
Ginto bumalot pa;
Pagka-tao at pagka-Diyos,
Maihalong lubos.
3
Tabernakulong tunay Ka,
Diyos sa Iyo’y tumira;
May biyaya, naging laman.
May katotohanan.
Sa Iyo l’walhati nakita,
Ikaw ang Salita;
Salita’t gawa naghayag,
Pag-ibig, liwanag.
4
Sagisag Mo’y templo ng Diyos,
Bahay Ka ng Di-yos;
Buong Diyos sa Iyo nanahan,
Hayag kapuspusan.
Kahit ang dyablo’y nangwasak,
Bilang Ka sa patay,
Sa pagkabuhay ’tinayo.
Mas malaking templo.
5
Lunsod Banal napakita,
Larawan ng Nobya;
Nahayag Iyong karagdagan,
At Iyong kapuspusan.
Sa lo’b Mo ang Diyos na ilaw,
Ilawan ay Ikaw,
Sa lunsod nagliliwanag,
Glorya ng Diyos hayag.
6
Kaban ma’t tabernakulo,
Utos, lunsod, templo;
Pawang sagisag Mo Mismo.
Hinayag yaman Mo.
Sentro’t paligid ay Ikaw
Ang lahat ay Ikaw;
Diyos, tao sa Iyo nakita,
Aming Sinisinta.