Ang Diyos ay bumangon nawa

Cs9 E1100 G1100 R103 T1100
1
Ang Diyos ay bumangon nawa,
Mangalat kaaway Niya;
Sa apoy tunaw ang pagkit,
Masama’y pasalangin din.
Matutuwa ang mat’wid
Matagumpay ang tinig,
Magsiawit ng papuri
Sa Diyos awit papuri!
2
Nangangabayo sa ilang,
Dinadala banal Niya.
Ama ng mga ulila
Subok na kanlungan Siya.
Kay laking kaligtasan
Sa banal Niyang tahanan –
Aleluya! Aleluya!
Aleluya, Amen!
3
Ang mapag-isa at api,
Tahanan nasumpungan;
Nilabas mga bilanggo
Tungo’y kaginhawahan.
Biyaya nga sa kawan –
Diyos naghanda, tahanan
Aleluya, aleluya,
Aleluya, Amen!
4
Panginoong matagumpay
Binalita’y pagwagi
Naghayag mga babae –
Tumakas hukbong hari!
Walang pawis at hirap;
Sa bahay samsam hinati!
Aleluya, aleluya,
Aleluya, Amen!
5
Kristong umakyat sa langit,
Mga bihag dinala;
Siya’y nanahan sa kanila
Kaloob mapasakdal.
Tayong magkapatiran,
Natranspormang bihag nga!
Aleluya, aleluya,
Aleluya, Amen.
6
Papuri sa Diyos kailanman:
Pasan Niya ating pasan,
Maging Diyos ng kaligtasan
Nagbunyi papuri Niya.
Mula sa kamatayan,
Kaaway nilabanan!
Aleluya, Aleluya,
Aleluya, Amen.
7
Ang Iyong mga lakad O Diyos
ay kanilang nakita,
Sa Iyong banal na santuario,
Tinig ng puri’y lubos.
Mang-aawit nangunguna
Ulit-ulit pagpapala;
Aleluya, aleluya,
Aleluya, Amen!
8
Munting Benjamin namuno
Anak ng kapanglawan
Kasunod Judang may setro
Sa kanan ng Diyos masdan.
Zabulon at Nepthali
Masayang nagbunyi
Ng balita, Aleluya,
Aleluya, Amen.
9
Mula sa mal’walhating Diyos
Kalakasan inutos;
Palakasin nawa ng Diyos
Gawa Niya para sa tin.
Taasan pa ang papuri
Hanggang lupa’y gumanti;
Aleluya, aleluya
Aleluya, Amen.