Sa simula isang hardin ito

C774 CB975 E975 F191 K774 P497 R721 S454 T975
1
Sa simula isang hardin ito,
Sa huli naging lunsod kwadrado;
Ang halamanan Diyos ang naglalang,
Lunsod naging pagtatayo naman.
2
Maging sa halamanan o lunsod,
Puno't ilog ng buhay siyang lugod;
Ilog sagisag ng Espiritu,
Tustos ng buhay, puno'y si Kristo.
3
Kapwa sa hardin at lunsod banal,
Matagpuan tatlong bagay mahal;
Ginto, perlas, mahalagang bato,
Lahat ay para sa pagtatayo.
4
Ang tatlong bagay sa halamanan,
Nagkalat do'n na materyal lamang;
Sa lunsod naitayo nang lahat
Bilang tahanan Niya't Diyos ihayag.
5
Ang tao'y luwad sa halamanan,
Makalupa walang l'walhati man;
Puno ng buhay, nasa labas niya,
Hindi pa naging buhay sa kanya.
6
Puno ng buhay sa lunsod naman,
Sa lo'b natin lumago't nanahan;
Tinukoy Kristo'y buhay dibino,
Nang magtustos ng buhay sa tao.
7
Para sa lunsod, tao'y nilikha,
Maisilang muli't matransporma;
Maging ginto, perlas, batong mahal,
Bilang Katawan Niya't wangis tanghal.
8
Sa lo'b ng hardin may isang nobya,
Para kay Adam, kapareha Niya;
Kasintahang-babae ang lunsod,
Kapuspusan ni Kristo at lugod.
9
Ang kumpletong pagtatayo ng Diyos,
Binuo ng paghahalong lubos;
Ng mga banal at ng Diyos Mismo,
Siyang tahanan Niya't nobya ni Kristo.
10
Kahayagan ng Diyos sa sukdulan,
Ang pansansinukob na samahan;
Tres-unong Diyos niluwalhati niya,
Kapareha ni Kristo sa glorya!