1
Umasam sa lunsod, tolda'y tinirhan,
Lakbay niya ay 'tungong kal'walhatian;
Pangako ng Diyos ang kaaliwan niya,
Hinangad niya'y 'di makamundong rangya.
Lakbay niya ay 'tungong kal'walhatian;
Pangako ng Diyos ang kaaliwan niya,
Hinangad niya'y 'di makamundong rangya.
Lunsod! O kay inam!
Diyos sa tao'y tatahang walang hanggan.
Diyos sa tao'y tatahang walang hanggan.
2
Umasam sa lunsod, Diyos ang naghanda,
Mansyong makalupa'y walang halaga,
Ang Diyos ay nangako na siya'y bibigyan,
Dakong makahari sa kaduluhan.
Mansyong makalupa'y walang halaga,
Ang Diyos ay nangako na siya'y bibigyan,
Dakong makahari sa kaduluhan.
3
Umasam sa lunsod; may hinagpis man,
Makalupang rangya ay tinanggihan,
Umaawit pag lunsod naalala,
Mabakong daan di na tatagal pa.
Makalupang rangya ay tinanggihan,
Umaawit pag lunsod naalala,
Mabakong daan di na tatagal pa.
4
Umasam sa lunsod, aming hangarin,
'Pagka't batid na hinanda Mo sa 'min,
Bilang bahagi, lunsod na maningning,
Hesus kasama, daa'y tatahakin.
'Pagka't batid na hinanda Mo sa 'min,
Bilang bahagi, lunsod na maningning,
Hesus kasama, daa'y tatahakin.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?