Umasam sa lunsod, tolda’y tinirhan

C771 CB974 E974 K771 T974
1
Umasam sa lunsod, tolda’y tinirhan,
Lakbay niya ay ’tungong kal’walhatian;
Pangako ng Diyos ang kaaliwan niya,
Hinangad niya’y ’di makamundong rangya.
 
Lunsod! O kay inam!
Diyos sa tao’y tatahang walang hanggan.
2
Umasam sa lunsod, Diyos ang naghanda,
Mansyong makalupa’y walang halaga,
Ang Diyos ay nangako na siya’y bibigyan,
Dakong makahari sa kaduluhan.
3
Umasam sa lunsod; may hinagpis man,
Makalupang rangya ay tinanggihan,
Umaawit pag lunsod naalala,
Mabakong daan di na tatagal pa.
4
Umasam sa lunsod, aming hangarin,
’Pagka’t batid na hinanda Mo sa ’min,
Bilang bahagi, lunsod na maningning,
Hesus kasama, daa’y tatahakin.