Panukala ng Diyos—kaisa sa tao

C769 CB971 E971 F190 G971 K769 P491 R716 S450 T971
1
Panukala ng Diyos—kaisa sa tao,
Sisidlan ang tao, malamnan ng Diyos;
Siya ang buhay upang tao'y mapuno,
Tao'y kaisa Niya, ihayag ang Diyos.
2
Ayon sa wangis Niya, tao'y nilikha,
Pinaging-dapat ang tao sa plano Niya;
Bilang puno ng buhay, tanggapin Siya,
Tao'y kapuspusan at asawa Niya.
3
Sa agos ng buhay, tao'y baguhin,
Mamahaling materyal, kawangis Niya.
Itatayo bilang kasintahan din,
At bilang tahanan, matamasa Niya.
4
Bagong Herusalem, bayang marangal,
Diyos nilalaman at tao'y kahayagan,
Diyos ay nakihalo sa mga banal;
Kaisa sa l'walhating walang-hanggan.
5
Diyos ang sentro at hari sa luklukan,
Lahat sa buhay Niya'y nagkakaisa;
Mamuhay sa ilaw, kal'walhatian,
Banal nagkaisa, magkakatugma.
6
Siya ay tinapay at tubig ng buhay,
Pinawi ang gutom at uhaw nila.
Siya ang templo, doon sila'y namuhay,
Laging sumasamba sa presensiya Niya.