1
Panukala ng Diyos—kaisa sa tao,
Sisidlan ang tao, malamnan ng Diyos;
Siya ang buhay upang tao’y mapuno,
Tao’y kaisa Niya, ihayag ang Diyos.
Sisidlan ang tao, malamnan ng Diyos;
Siya ang buhay upang tao’y mapuno,
Tao’y kaisa Niya, ihayag ang Diyos.
2
Ayon sa wangis Niya, tao’y nilikha,
Pinaging-dapat ang tao sa plano Niya;
Bilang puno ng buhay, tanggapin Siya,
Tao’y kapuspusan at asawa Niya.
Pinaging-dapat ang tao sa plano Niya;
Bilang puno ng buhay, tanggapin Siya,
Tao’y kapuspusan at asawa Niya.
3
Sa agos ng buhay, tao’y baguhin,
Mamahaling materyal, kawangis Niya.
Itatayo bilang kasintahan din,
At bilang tahanan, matamasa Niya.
Mamahaling materyal, kawangis Niya.
Itatayo bilang kasintahan din,
At bilang tahanan, matamasa Niya.
4
Bagong Herusalem, bayang marangal,
Diyos nilalaman at tao’y kahayagan,
Diyos ay nakihalo sa mga banal;
Kaisa sa l’walhating walang-hanggan.
Diyos nilalaman at tao’y kahayagan,
Diyos ay nakihalo sa mga banal;
Kaisa sa l’walhating walang-hanggan.
5
Diyos ang sentro at hari sa luklukan,
Lahat sa buhay Niya’y nagkakaisa;
Mamuhay sa ilaw, kal’walhatian,
Banal nagkaisa, magkakatugma.
Lahat sa buhay Niya’y nagkakaisa;
Mamuhay sa ilaw, kal’walhatian,
Banal nagkaisa, magkakatugma.
6
Siya ay tinapay at tubig ng buhay,
Pinawi ang gutom at uhaw nila.
Siya ang templo, doon sila’y namuhay,
Laging sumasamba sa presensiya Niya.
Pinawi ang gutom at uhaw nila.
Siya ang templo, doon sila’y namuhay,
Laging sumasamba sa presensiya Niya.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?