Ang sentrong isip ng Diyos -
Ang sentrong isip ng Diyos -
1
|
Ang sentrong isip ng Diyos - Siya’t tao’y maging isa; Siya ang lahat sa tao Plano Niya’y maisagawa. |
2
|
Tao’y likhang sisidlan - ’Spiritu, kal’lwa, laman, Buhay ng Diyos makamtan, Tunay ang kaisahan. |
3
|
Buhay ng Diyos dumaloy Nang tao’y maging bato, Maitayo ang templo, Diyos l’walhatiin nito. |
4
|
Bayang banal ’tinayo, Tahanang ibig ng Diyos, Bagong Herusalem ’to, Tinupad layon ng Diyos. |
5
|
Pagtatayo ng banal, Diyos at tao’y naghalo, Binalak ng Maykapal, Nilugod ang Diyos’t tao. |
6
|
Trono ng Diyos’t Kordero, Sa gitna’y pinagmulan Ng tubig na ’Spiritu, Agos na walang hanggan. |
7
|
Kristo’y puno ng buhay, Kabilaan ng ilog, Bungang dibinong buhay Ay sa ikabubusog. |
8
|
Diyos kay Kristo’y siyang ilaw, Sa lunsod nagliwanag, Kadilima’y pumanaw Sa dibinong pagsinag. |
9
|
Diyos sa tao, tao’t Diyos, ’Nahan sa isa’t isa; Laman ng tao ay Diyos Diyos sa tao’y makita. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?