Anong ganda, tahanan Mo

B436 C615 CB851 D851 E851 G851 K615 P390 R579 S364 T851
1
Anong ganda, tahanan Mo!
Mapasa looban nito,
Makapiling Ka nang husto
Daing ng puso ko sa Iyo.
2
Sa Iyong dambana, Pangino'n,
Ang maya may kanyang bahay,
Pati langaylangayan do'n
Nagpugad par' sa inakay.
3
Kasinghina man ng maya,
Mapalad tumahan sa Iyo,
Pagtubos sa Iyong dambana,
Insenso'y natamasa ko.
4
Mapalad ang tao na ang
Kalakasan ay nasa Iyo,
Sa puso may mga daan,
Sa Sion siya nga'y patutungo.
5
Sa libis ng Iyak dumaan,
Ginawang dako ng bukal,
Takpan ng maagang ulan,
Pagpapala ay dumatal.
6
Nagsisiyaon sila sa
Kalakasa't kalakasan,
Sa Diyos sa Sion nga'y napakita.
Dalangin ko'y Iyong pakinggan.
7
'Sang araw sa looban Mo
Mabuti pa sa 'sang libo,
Sa bahay Mo, tanod-pinto
M'galing kaysa toldang liko.
8
Ika'y araw at kalasag,
Biyaya't l'walhati'y bigay;
Sa Iyo ako ay nabihag,
Tustos Mo ay walang humpay.
9
Sa lumalakad nang tuwid,
Ikaw ay di nagkakait;
Mapalad ang nananalig
Biyaya't gloria'y makamit.