1
Anong ganda, tahanan Mo!
Mapasa looban nito,
Makapiling Ka nang husto
Daing ng puso ko sa Iyo.
Mapasa looban nito,
Makapiling Ka nang husto
Daing ng puso ko sa Iyo.
2
Sa Iyong dambana, Pangino’n,
Ang maya may kanyang bahay,
Pati langaylangayan do’n
Nagpugad par’ sa inakay.
Ang maya may kanyang bahay,
Pati langaylangayan do’n
Nagpugad par’ sa inakay.
3
Kasinghina man ng maya,
Mapalad tumahan sa Iyo,
Pagtubos sa Iyong dambana,
Insenso’y natamasa ko.
Mapalad tumahan sa Iyo,
Pagtubos sa Iyong dambana,
Insenso’y natamasa ko.
4
Mapalad ang tao na ang
Kalakasan ay nasa Iyo,
Sa puso may mga daan,
Sa Sion siya nga’y patutungo.
Kalakasan ay nasa Iyo,
Sa puso may mga daan,
Sa Sion siya nga’y patutungo.
5
Sa libis ng Iyak dumaan,
Ginawang dako ng bukal,
Takpan ng maagang ulan,
Pagpapala ay dumatal.
Ginawang dako ng bukal,
Takpan ng maagang ulan,
Pagpapala ay dumatal.
6
Nagsisiyaon sila sa
Kalakasa’t kalakasan,
Sa Diyos sa Sion nga’y napakita.
Dalangin ko’y Iyong pakinggan.
Kalakasa’t kalakasan,
Sa Diyos sa Sion nga’y napakita.
Dalangin ko’y Iyong pakinggan.
7
’Sang araw sa looban Mo
Mabuti pa sa ’sang libo,
Sa bahay Mo, tanod-pinto
M’galing kaysa toldang liko.
Mabuti pa sa ’sang libo,
Sa bahay Mo, tanod-pinto
M’galing kaysa toldang liko.
8
Ika’y araw at kalasag,
Biyaya’t l’walhati’y bigay;
Sa Iyo ako ay nabihag,
Tustos Mo ay walang humpay.
Biyaya’t l’walhati’y bigay;
Sa Iyo ako ay nabihag,
Tustos Mo ay walang humpay.
9
Sa lumalakad nang tuwid,
Ikaw ay di nagkakait;
Mapalad ang nananalig
Biyaya’t gloria’y makamit.
Ikaw ay di nagkakait;
Mapalad ang nananalig
Biyaya’t gloria’y makamit.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?