1
Bago magbukang-liwayway
Sa Kanyang presensya'y lumapit;
Ang Kanyang mukha'y aking namasdan,
Liwanag ay sumapit.
Sa 'kin sinalita't 'pinahayag
Lahat ng yaman Niya ngayon;
Buong lugod ako'y bumahagi,
Napawi aking gutom.
Sa Kanyang presensya'y lumapit;
Ang Kanyang mukha'y aking namasdan,
Liwanag ay sumapit.
Sa 'kin sinalita't 'pinahayag
Lahat ng yaman Niya ngayon;
Buong lugod ako'y bumahagi,
Napawi aking gutom.
2
'Spiritu'y nagsalamuha
Sa pamam'gitan ng Salita;
Bukal ng buhay sa aking puso,
Dala'y lakas, biyaya.
Sa 'kin sinalita't 'pinahayag
Yaman Niya'y ipinabatid;
Kaya sa Kanya ako'y uminom,
Uhaw ko ay napatid.
Sa pamam'gitan ng Salita;
Bukal ng buhay sa aking puso,
Dala'y lakas, biyaya.
Sa 'kin sinalita't 'pinahayag
Yaman Niya'y ipinabatid;
Kaya sa Kanya ako'y uminom,
Uhaw ko ay napatid.
3
Magiliw makitungo Siya
Sa presensiya Niya'y may ligaya;
Ako'y pinuspusan, tinustusan
Ng lahat Niyang esensiya.
Sa 'kin sinalita't 'pinahayag
Ang Kanyang yaman nang lubos;
Ako ay nagtamasa sa Kanya,
Sulirani'y natapos.
Sa presensiya Niya'y may ligaya;
Ako'y pinuspusan, tinustusan
Ng lahat Niyang esensiya.
Sa 'kin sinalita't 'pinahayag
Ang Kanyang yaman nang lubos;
Ako ay nagtamasa sa Kanya,
Sulirani'y natapos.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?