Panginoon, buhay Ka sa akin

B313 C400 CB539 D539 E539 F97 G539 K400 LSM147 P266 R385 S242 T539
1
Panginoon, buhay Ka sa akin
At lahat sa akin!
Sa t'wina'y aking nararanasan,
At subhektibo rin
 
Poon, mahal Ka sa akin,
Espiritung tunay!
Sa lahat ng aking kailangan,
Tugon Ka sa buhay!
2
Maging malaki man o maliit
Ang pangangailangan;
Ikaw ang lagi kong nagagamit,
Panustos kay yaman.
3
Ang Iyong matamis na pagpapahid
Aking kalakasan;
Ang Iyong panustos ng enerhiya,
Ako'y iningatan.
4
Batas ng buhay sa puso't isip
Ako'y inaayos;
Ang katotohanan Mong kay yaman,
Ako'y pinupuspos.
5
Pagkakaisa natin ay lagi
Di mapapantayan;
Kaisang Espiritu sa t'wina,
Magpakailanpaman.