1
Ikaw ang tunay na puno
At ako ang Iyong sanga,
Nguni't hindi ko matanto
Bakit wala 'kong bunga.
At ako ang Iyong sanga,
Nguni't hindi ko matanto
Bakit wala 'kong bunga.
2
Inasam ko ang mamunga,
Maihayag Iyong buhay;
Sa trono l'walhatiin Ka,
Ito'y dalanging tunay.
Maihayag Iyong buhay;
Sa trono l'walhatiin Ka,
Ito'y dalanging tunay.
3
Panginoon di ko alam
Ano'ng manahan sa Iyo,
Lalo kong sinusubukan,
Lalong napapalayo.
Ano'ng manahan sa Iyo,
Lalo kong sinusubukan,
Lalong napapalayo.
4
Pananaha'y di ko dama,
Ga'no mang pagpas'ya ko;
Tila Ika'y malayo pa,
At walang bunga ako.
Ga'no mang pagpas'ya ko;
Tila Ika'y malayo pa,
At walang bunga ako.
5
Ikaw ang puno ng ubas,
Wika Mo, ako'y sanga,
Nang matanggap Manliligtas,
Espiritu'y gumawa.
Wika Mo, ako'y sanga,
Nang matanggap Manliligtas,
Espiritu'y gumawa.
6
Ako'y nasa loob Mo na,
Di ang papasok pa lang;
Ako'y ganap nang Iyong kaisa,
Sa buto at sa laman.
Di ang papasok pa lang;
Ako'y ganap nang Iyong kaisa,
Sa buto at sa laman.
7
Di ang "papasok" siyang lihim,
Kundi "nasa loob" na;
Di na lalabas—siyang dalangin,
Di pa'nong papasok pa.
Kundi "nasa loob" na;
Di na lalabas—siyang dalangin,
Di pa'nong papasok pa.
8
Ako'y nasa Iyong loob na,
Tunay na pangyayari!
Di kailangan dasal, gawa,
Diyos gumawa't naghari.
Tunay na pangyayari!
Di kailangan dasal, gawa,
Diyos gumawa't naghari.
9
Di kailangang pumasok pa,
Nasa loob na ako,
Dapat magpuri't matuwa,
Manalig sa salita Mo.
Nasa loob na ako,
Dapat magpuri't matuwa,
Manalig sa salita Mo.
10
Ngayon ako'y matiwasay,
Ika'y lahat sa akin,
Ikaw ang lakas at buhay,
Sarili ko'y lipulin.
Ika'y lahat sa akin,
Ikaw ang lakas at buhay,
Sarili ko'y lipulin.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?