Ikaw ang tunay na puno

B328 C419 CB561 E561 F102 G561 K419 P286 R461 S262 T561
1
Ikaw ang tunay na puno
At ako ang Iyong sanga,
Nguni’t hindi ko matanto
Bakit wala ’kong bunga.
2
Inasam ko ang mamunga,
Maihayag Iyong buhay;
Sa trono l’walhatiin Ka,
Ito’y dalanging tunay.
3
Panginoon di ko alam
Ano’ng manahan sa Iyo,
Lalo kong sinusubukan,
Lalong napapalayo.
4
Pananaha’y di ko dama,
Ga’no mang pagpas’ya ko;
Tila Ika’y malayo pa,
At walang bunga ako.
5
Ikaw ang puno ng ubas,
Wika Mo, ako’y sanga,
Nang matanggap Manliligtas,
Espiritu’y gumawa.
6
Ako’y nasa loob Mo na,
Di ang papasok pa lang;
Ako’y ganap nang Iyong kaisa,
Sa buto at sa laman.
7
Di ang “papasok” siyang lihim,
Kundi “nasa loob” na;
Di na lalabas—siyang dalangin,
Di pa’nong papasok pa.
8
Ako’y nasa Iyong loob na,
Tunay na pangyayari!
Di kailangan dasal, gawa,
Diyos gumawa’t naghari.
9
Di kailangang pumasok pa,
Nasa loob na ako,
Dapat magpuri’t matuwa,
Manalig sa salita Mo.
10
Ngayon ako’y matiwasay,
Ika’y lahat sa akin,
Ikaw ang lakas at buhay,
Sarili ko’y lipulin.