Kami’y harding nag-aagos

E1156 P272 T1156
1
Kami’y harding nag-aagos,
Ng espesia sa Poon
Lahat ng bunga ni Hesus
Dito ay lumalago.
Nardong langis, saffron, henna,
Kanela at kalamo,
Kamanyang, mira, at aloe
Sa ‘min ganito Kang lumago.
2
Halika, Sinta sa hardin,
Panginoon kumain
Para sa Iyong kasiyahan
Ng bungang masagana.
“Oo” “Ako’y kumakain
Pulot-pukyutang puro”
Mga espesia sa hardin
Poon tiyak masiyahan Ka.
3
Ang bungang lahat ng hardin
Sa pagkabuhay-muli
Nang lunsod ay maitayo
Para sa Panginoon.
Mula hardin hanggang lunsod
May batong natransporma;
Kristo’y hayag, naaninag—
Sa glorya Diyos ay nakita.
4
Lunsod maganda’t mayumi
Gaya’y sikat ng araw,
Ay isang hukbong matindi
Nagmartsa sa tagumpay.
Masdan, lunsod at ang hukbo—
Banal ay transpormado.
Ang dyablo ay masisindak
Sa Panginoon ay marilag.