Bago magbukang-liwayway
Bago magbukang-liwayway
1
|
Bago magbukang-liwayway Sa Kanyang presensya’y lumapit; Ang Kanyang mukha’y aking namasdan, Liwanag ay sumapit. Sa ’kin sinalita’t ’pinahayag Lahat ng yaman Niya ngayon; Buong lugod ako’y bumahagi, Napawi aking gutom. |
2
|
’Spiritu’y nagsalamuha Sa pamam’gitan ng Salita; Bukal ng buhay sa aking puso, Dala’y lakas, biyaya. Sa ’kin sinalita’t ’pinahayag Yaman Niya’y ipinabatid; Kaya sa Kanya ako’y uminom, Uhaw ko ay napatid. |
3
|
Magiliw makitungo Siya Sa presensiya Niya’y may ligaya; Ako’y pinuspusan, tinustusan Ng lahat Niyang esensiya. Sa ’kin sinalita’t ’pinahayag Ang Kanyang yaman nang lubos; Ako ay nagtamasa sa Kanya, Sulirani’y natapos. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?