1
Sa lo'b ng Kordero, Ama,
Ika'y pag-asa't pahinga;
Ang buting nasa Ngalan Mo,
Pawang ngang pagpapala ko.
Ika'y pag-asa't pahinga;
Ang buting nasa Ngalan Mo,
Pawang ngang pagpapala ko.
2
Ikay mabuti't dakila,
Matuwid at marunong pa;
Aming Ama't Diyos, kami'y Iyo,
Supling na bin'li ng dugo.
Matuwid at marunong pa;
Aming Ama't Diyos, kami'y Iyo,
Supling na bin'li ng dugo.
3
Dulot nga ng biyaya Mo,
Di na mawawalay sa Iyo;
Presensiya Mo'y aming bantay,
Lugod—pag-ibig Mo'y taglay.
Di na mawawalay sa Iyo;
Presensiya Mo'y aming bantay,
Lugod—pag-ibig Mo'y taglay.
4
Lagi kaming nagagalak,
Dilim ay naging liwanag.
Mahinang tinig lalaksan,
Ika'y laging papurihan.
Dilim ay naging liwanag.
Mahinang tinig lalaksan,
Ika'y laging papurihan.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?