Sa Kordero, Diyos nakita

B37 C33 E37 K33 T37
1
Sa Kordero, Diyos nakita,
Pag-asa, galak, pahinga;
Ang buting nasa Ngalan Mo,
Pawang ngang pagpapala ko.
2
Amang mabuti’t dakila,
Matuwid at marunong pa;
Diyos, kami’y napasa I-yo,
Supling, binili ng dugo.
3
O dulot ng Iyong biyaya,
Di maantig kung wala Ka;
Aming bantay presensya Mo,
Lugod — sakdal pag-ibig Mo.
4
Lagi kaming nagagalak,
Dilim ay naging liwanag.
Mahinang tinig lalak’san,
Ika’y laging papurihan.