Sa lo’b ng Kordero, Ama

B37 C33 E37 K33 T37
1
Sa lo’b ng Kordero, Ama,
Ika’y pag-asa’t pahinga;
Ang buting nasa Ngalan Mo,
Pawang ngang pagpapala ko.
2
Ikay mabuti’t dakila,
Matuwid at marunong pa;
Aming Ama’t Diyos, kami’y Iyo,
Supling na bin’li ng dugo.
3
Dulot nga ng biyaya Mo,
Di na mawawalay sa Iyo;
Presensiya Mo’y aming bantay,
Lugod—pag-ibig Mo’y taglay.
4
Lagi kaming nagagalak,
Dilim ay naging liwanag.
Mahinang tinig lalaksan,
Ika’y laging papurihan.