Purihin Ka sa kat'wiran
Purihin Ka sa kat'wiran
1
|
Purihin Ka sa kat'wiran, Maging sa Iyong katarungan, Pinatotohanan, Hukom ng sangkatauhan, Lahat Mo'y makatarungan. Walang kamalian. |
2
|
O, Ama ng kabanalan, Trono Mo'y inalalayan Ng Iyong katuwiran. Sa pamamagitan nito, Naghari b'yaya ni Kristo, Payapa'y natamo. |
3
|
Nagsanhi ang katwiran Mo, Sa krus namatay Anak Mo; Pantubos natamo. Nang tinanggap katubusan, Kami'y naging makatwiran Na may kaligtasan. |
4
|
Iyong katwiran pinakita, May patawad, pagpapala, Sa sinauna nga; Nang nakita Iyong katwiran, Tanggap Iyong kapatawaran Sa makasalanan. |
5
|
Lahat ay hahatulan Mo, Nang mahayag katwiran Mo; Huhukom si Kristo. Sa Iyong katwiran tatayo, Biyaya'y bibigyan ako, Magpapatotoo. |
6
|
Kaharia'y may katwiran, Maitatag kapayapa'n Masayang samahan. Sa lupa't langit na bago, Hihigit pa katwiran Mo. Tutupdin pangako. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?