Katawan Mo, Iyong tinubos

C775 CB976 E976 K775 P495 R340 S455 T976
1
Katawan Mo, Iyong tinubos,
At nobya, Poong Hesus;
Kapuspusan, kahayagan,
Nahayag ang Iyong yaman.
Lahat-lahat Ka sa kanya,
Yaman Mo’y hinayag niya;
Bin’hagi kal’walhatian,
Lubos Mo siyang babaran.
 
O banal na siudad,
May gloryang liwanag!
Kahayagan Niyang kumpleto,
Sa pagka-tao.
2
Diyos at tao’y naihalo,
Pagkamakadiyos ito!
Glorya ng Diyos, kapuspusan,
Tao’y Kanyang tahanan.
Ang unibersang sisidlan,
Sa Diyos ay kahayagan;
Naihalo kabanalan,
Glorya’y may kahayagan.
3
Buhay na pagkakabuo,
Ng transpormadong tao,
Gaya’y batong mahalaga,
Naiwangis sa Kanya:
Tubig ng buhay umagos,
Mula sa trono ng Diyos;
Kristo’y puno ng buhay nga,
Namungang masagana.
 
4Gintong pat’ngan-ng-ilawan,
Kristo ang siyang ilawan.
Diyos nasa loob ni Kristo,
Sinilang ng ’Spiritu.
Sukdulang kaganapan Siya,
Tao’t Diyos walang hanggan,
Sa isa’t isa’y tirahan,
Layuning walang hanggan.