Bagong Tipa’y di sa titik

C654 CB908 E908 G908 K654 R651 S406 T908
1
Bagong Tipa’y di sa titik
Kundi sa ’spiritu lang;
’Spiritu’y nagbigay buhay,
Ang titik pumapaslang.
Gawa di mula sa loob,
Di binibilang ng Diyos;
Di sa titik ang pag’lingkod.
Kundi sa buhay lubos.
2
Di sa panlabas na turo,
Kundi sa pagpapahid;
Di sa huwarang panlabas,
Kundi sa pangitain.
Pamahalang makalangit,
Di pantaong pamu’no;
Paggabay at pahayag Niya,
Di pagpasya ng tao.
3
Di nagbigay ng relihiyon
Kundi si Kristong buhay
Ni hindi teolohiya,
Kundi si Kristong buh
áy.
Tanging Kristo ang mensahe,
’Di anumang doktrinal.
Kristo ng Diyos—realidad,
Di kaloob ni ritwal.
4
Mula sa loob maglingkod,
Di pagsambang panlabas;
Subhektibong ipahayag,
Ang Kristong ’ting naranas.
Sa espiritu at buhay,
Paglingkod di sa titik,
Sa ’Spiritu, di sa laman,
Malaya sa pigapit.