Bagong Tipa'y di sa titik
Bagong Tipa'y di sa titik
1
|
Bagong Tipa'y di sa titik Kundi sa 'spiritu lang; 'Spiritu'y nagbigay buhay, Ang titik pumapaslang. Gawa di mula sa loob, Di binibilang ng Diyos; Di sa titik ang pag'lingkod. Kundi sa buhay lubos. |
2
|
Di sa panlabas na turo, Kundi sa pagpapahid; Di sa huwarang panlabas, Kundi sa pangitain. Pamahalang makalangit, Di pantaong pamu'no; Paggabay at pahayag Niya, Di pagpasya ng tao. |
3
|
Di nagbigay ng relihiyon Kundi si Kristong buhay Ni hindi teolohiya, Kundi si Kristong buh áy. Tanging Kristo ang mensahe, 'Di anumang doktrinal. Kristo ng Diyos—realidad, Di kaloob ni ritwal. |
4
|
Mula sa loob maglingkod, Di pagsambang panlabas; Subhektibong ipahayag, Ang Kristong 'ting naranas. Sa espiritu at buhay, Paglingkod di sa titik, Sa 'Spiritu, di sa laman, Malaya sa pigapit. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?