Dapat sa lo'b ng Katawan

C656 CB913 E913 G913 K656 P426 R385 S411 T913
1
Dapat sa lo'b ng Katawan,
Gawa't paglingkod naman;
Katawan ang layunin Niya,
Tayo ay umayon nga.
 
Sa lo'b ng Katawan lagi,
Gawa nati't pagsilbi,
Magko'rdina sa isa't 'sa.
Sangkap ng Katawan Niya.
2
Pagkasilang-muli natin,
Tayo naging sangkap din;
Di na dapat nag-iisa,
Sa pag'lingkod sa Kanya.
3
Batong buhay naitayo,
Bilang buhay na templo;
Bilang saserdote ng Diyos,
Nagkakaisang lubos.
4
Pagtatayo ay tuparin,
Bawa't pangsyon gagawin;
Pundasyon ng paglilingkod
Sa Katawan di bukod.
5
Sa gawa't paglingkod naman,
Katawa'y natustusan;
Pag lumayo sa Katawan,
Hantunga'y kamatayan.
6
Pag nagsilbi sa Katawan,
Yaman ng Ulo'y kamtan;
Pangsyon ng sangkap tinupad,
Sukat ni Kristo'y ganap.
7
Kay Kristo susulong tayo,
Tanganan bilang Ulo;
Mula sa Kanya ang tustos,
Sa sangkap ang pag-agos.
8
Katawan inalay namin,
Kami Iyong transpormahin;
Upang layon Mo'y malaman,
Pagsilbi'y sa Katawan.