Ang lugod at nais ng Diyos

B312 C399 CB538 D538 E538 F96 G538 K399 LSM146 P265 R99 S241 T538
1
Ang lugod at nais ng Diyos,
Kristo’y ihayag sa ’kin;
Di panlabas na relihiyon,
Kristo’y ’paloob sa ’kin.
 
Ang lugod at nais ng Diyos,
Kristo’y maisagawa;
Sa aking loob nang lubos,
Di panlabas na gawa.
2
Ang lugod at nais ng Diyos,
Kristo’y mabuhay sa ’kin;
Di panlabas na pagkilos,
Ang gumawa’y Kristo rin.
3
Ang lugod at nais ng Diyos,
Mahubog sa ’kin Kristo;
Di ang panlabas na ritwal,
Kundi Kristo’y lumago.
4
Ang lugod at nais ng Diyos,
Kristo’y manahan sa ’kin;
Di panlabas na pag’lingkod,
Sa loob Siya’y taglayin.
5
Ang lugod at nais ng Diyos,
Kristo ang pag-asa ko;
Di l’walhating obhektibo,
Kundi Siyang subhektibo.
6
Ang lugod at nais ng Diyos,
Kristo’y maging lahat ko;
Tanging angkinin nang lubos,
Ang walang hanggang Kristo.