Bago pa nagsimula ang daigdig at panahon

B100 C154 CB203 D203 E203 F226 G203 K154 LSM39 P129 R206 S93 T203
1
Bago pa nagsimula ang daigdig at panahon,
Bugtong na Anak Ka, nasa piling ng Ama noon.
Persona Mo’y di nagbago nang ’binigay ng Ama,
Kapuspusan ng Ama sa Espiritu’y makita.
2
Kamataya’t pagkabuhay, ginawa Kang Panganay,
Mga anak—bunga ng pamamahagi ng buhay.
Buhay Mo’y nagpalaganap, kami’y mga kapatid,
Kami’y Iyong pagpaparami, paglaki’y walang patid.
3
Isang butil ng trigo Ka at namatay sa lupa,
Kamataya’t pagkabuhay—l’walhati’y ’pinakita;
At kami’y Iyong isinilang na maging mga binhi,
Naghalo, naging tinapay: Katawang mal’walhati.
4
Kami’y Iyong pagpaparami, Katawan, kasintahan,
Kahayagan at kapuspusan, lagi Mong tahanan;
Iyong paglawak, karugtong, at paglago ng buhay Mo,
Paggulang, pag-apaw ng yaman, at kaisahan Mo.
5
Pantaong balat nabasag, glorya’t buhay nahayag,
Nang Sarili Mong paglakip sa hirang Mo’y dumagdag;
Ika’y nasa loob namin, kami’y nasa loob Mo,
Mannang kubli’y kinakain, sapit Her’salem bago.
1
Regelyn Blake

Padre Garcia, Batangas, Philippines

Praise the Lord tayo ang kanyang pagpaparami