Doon sa libingan

B83 C99 CB123 E123 F21 K99 P58 R91 S58 T123
1
Doon sa libingan,
Ang Panginoon,
Araw hinihintay,
Sa pagbangon.
 
Nagbangon sa libingan,
Dinaig Niya mga kalaban;
Kristo’y nagtagumpay sa kadiliman
At nabuhay nang maghari kailanman.
Si Kristo’y nagbangon!
Aleluya! Nagbangon!
2
Walang katuturan
Kanilang bantay;
Ang patay sinarhan
Walang saysay.
 
Nagbangon sa libingan,
Dinaig Niya mga kalaban;
Kristo’y nagtagumpay sa kadiliman
At nabuhay nang maghari kailanman.
Si Kristo’y nagbangon!
Aleluya! Nagbangon!
3
Di Siya napigilan
Ng kamatayan;
Hinawi ang rehas
Ng piitan.
 
Nagbangon sa libingan,
Dinaig Niya mga kalaban;
Kristo’y nagtagumpay sa kadiliman
At nabuhay nang maghari kailanman.
Si Kristo’y nagbangon!
Aleluya! Nagbangon!