1
Ekklesia ang may awitin
Sa Kordero!
Karapat-dapat purihin
Ang Kordero!
Sa Kanya’y lumuhod trono,
Pumailanglang ang samyo,
Pag-awit ay walang hinto,
Sa Kordero!
Sa Kordero!
Karapat-dapat purihin
Ang Kordero!
Sa Kanya’y lumuhod trono,
Pumailanglang ang samyo,
Pag-awit ay walang hinto,
Sa Kordero!
2
Lahi’t bansa’y pumupuri
Sa Kordero!
Karapat-dapat ’pagbunyi
Ang Kordero!
Awitin ang kaligtasan,
Tulad ng sa kulog laksan,
Magtirapa sa harapan
Ng Kordero!
Sa Kordero!
Karapat-dapat ’pagbunyi
Ang Kordero!
Awitin ang kaligtasan,
Tulad ng sa kulog laksan,
Magtirapa sa harapan
Ng Kordero!
3
Alpa’t awit humihimig
Sa Kordero!
Karapat-dapat sa tinig
Ang Kordero!
Dugo Niyang mahal bumili,
Hirap, hinanap Niya kami,
Dadalhin pa sa l’walhati
Ng Kordero!
Sa Kordero!
Karapat-dapat sa tinig
Ang Kordero!
Dugo Niyang mahal bumili,
Hirap, hinanap Niya kami,
Dadalhin pa sa l’walhati
Ng Kordero!
4
May pag-asa’t pagmamahal
Sa Kordero!
Karapat-dapat itanghal
Ang Kordero!
Walang sing tamis na nota,
Laging marilag na paksa,
Anupa’t tungkol sa Kanya,
Ang Kordero!
Sa Kordero!
Karapat-dapat itanghal
Ang Kordero!
Walang sing tamis na nota,
Laging marilag na paksa,
Anupa’t tungkol sa Kanya,
Ang Kordero!
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?