Paakyat ang Mandaraig

C112 E130 K112 T130
1
Paakyat ang Mandaraig,
Dala’y glorya ng Hari;
Sakay ng ulap patungo,
Sa langit na palasyo.
Aleluya, kagalakan,
Anghel nagsiawitan.
Mga pintuan nabuksan.
Tanggapin, tanggapin
Ang Kristong Hari natin.
2
Sino ang karapat-dapat,
Papurihan nang tapat.
Pangino’n ng pagdirigma,
Nagtagumpay na nga Siya.
Hirap ng krus binata Niya,
Sa patay nabuhay Siya.
Sa kamatayan, sinira
Gawain ng dyablo
Lubos itong natalo!
3
Nahiwalay sa kanila,
Habang Siya’y nagpapala.
Tinitingnan ng alagad,
Habang Siya’y inaakyat
Diyos, binigyang kaluguran,
Hayag katotohanan.
Inakyat may kagalakan,
Siyang tunay na Enoch
Sa harap ng aking Diyos.
4
Aaron ko dala’y dugo,
Tungo’y Banal na Dako.
Tungong Canaan Josue ko
Tanang hari tinalo.
Sa ipinangakong lupa
Piling tao’y dinala.
Ngayon pinagpalang b’yaya:
Elias ko namigay.
Pagpapala’y mataglay.
5
Sa kanan ng Diyos inupo,
Tinaas pagka-tao.
Tayo’y kasamang naluklok,
Sa mal’walhating rurok.
Hari Ka, anghel sumamba,
Sa langit umakyat Ka.
Sa trono tao’y kasama,
Nananalig ako.
Nananalig, matamo.