Paakyat ang Mandaraig
Paakyat ang Mandaraig
1
|
Paakyat ang Mandaraig, Dala’y glorya ng Hari; Sakay ng ulap patungo, Sa langit na palasyo. Aleluya, kagalakan, Anghel nagsiawitan. Mga pintuan nabuksan. Tanggapin, tanggapin Ang Kristong Hari natin. |
2
|
Sino ang karapat-dapat, Papurihan nang tapat. Pangino’n ng pagdirigma, Nagtagumpay na nga Siya. Hirap ng krus binata Niya, Sa patay nabuhay Siya. Sa kamatayan, sinira Gawain ng dyablo Lubos itong natalo! |
3
|
Nahiwalay sa kanila, Habang Siya’y nagpapala. Tinitingnan ng alagad, Habang Siya’y inaakyat Diyos, binigyang kaluguran, Hayag katotohanan. Inakyat may kagalakan, Siyang tunay na Enoch Sa harap ng aking Diyos. |
4
|
Aaron ko dala’y dugo, Tungo’y Banal na Dako. Tungong Canaan Josue ko Tanang hari tinalo. Sa ipinangakong lupa Piling tao’y dinala. Ngayon pinagpalang b’yaya: Elias ko namigay. Pagpapala’y mataglay. |
5
|
Sa kanan ng Diyos inupo, Tinaas pagka-tao. Tayo’y kasamang naluklok, Sa mal’walhating rurok. Hari Ka, anghel sumamba, Sa langit umakyat Ka. Sa trono tao’y kasama, Nananalig ako. Nananalig, matamo. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?