Sukdulang pagpapala’y tamuhin

C418 E1352 F101 P285 R412 S261 T1352
1
Sukdulang pagpapala’y tamuhin,
Sa tuwinang pagtahan kay Kristo,
Pagsalamuha’y panatilihin
Upang mga hadlang ay maglaho.
2
Sa pagtahan, pagpahid aagos;
Sa pagtalima’t pagsalamuha,
Paggabay ng ’spiritu’y matalos,
Pagsunod, yaman Niya’y makukuha.
3
Liwanag ng biyaya’y sisilay;
Sa pananaha’t pagsalamuha.
Ilaw ay sundin, lalago’ng buhay;
Mula sa dilim ay napalaya.
4
Sa pagtahan, lalakas, sisigla,
Mga daing nagiging awitin,
Sa pagsalamuha’y liligaya -
Kamatayan sa buhay lulunin!
5
Si Satanas at ang kasalanan,
Sa pananahan ay magwawakas;
Sarili man at ang sanlibutan,
Sa pagsasalamuha’y lilipas.
6
Sa pagtahan makakawangis Niya;
Kapangyariha’y mararanasan;
Mapupuspos sa pagsalamuha,
Ng Kanyang buhay at kayamanan.
7
Mananahan, Panginoon, sa Iyo;
Pagsalamuha ang hangarin ko,
Ako’y lubusang mawala sa Iyo
Walang hanggang maihalo sa Iyo.