Sa Iyo manahan—ang aking samo

B329 C420 E563 F104 K420 P289 S263 T563
1
Sa Iyo manahan—ang aking samo,
Sa Iyo manahan walang paghinto,
Kung paano ang sanga sa puno,
Ako rin ay nakaugnay sa Iyo.
2
Sa Iyo manahan—ang tamasa ko,
Sa ’kin umapaw kayamanan Mo,
Sanga ay manatiling sariwa
Nang saganang makapamumunga.
3
Sa Iyo manahan—tiyak pagwagi
Laban sa mga sala’t sarili;
Sa Iyo ako’y nakisalamuha,
Kilos ng kalulwa’y masawata.
4
Sa Iyo manahan, mithi Mo’y talos,
Kapayapaa’t galak bumuhos;
Presensiya at lihim Mo’y ilahad,
At Iyong Salitang tustos sa lahat.