Mula pa sa Betania naghiwalay
Mula pa sa Betania naghiwalay
1
|
Mula pa sa Betania naghiwalay, Puso ko’y may hungkag walang humpay; Wala ka pa’no akong magtamasa? Pa’no kong tutugtugin ang alpa? Sa gabi nag-iisang nagpupuyat. Namanhid sa pighati o galak, Nagunita pangako mong babalik Bakit di kapa nagpapakita? Bakit? |
2
|
Saad ng sabsaban walang bahay ’ko Krus mo inalis panlupang aliw ko Pagbalik Mo sanhi ng ’king paghanap Isang higit na mabuting siudad Nawalan ng lasa ’king kagalakan? Magmula ng ikaw ay lumisan. Ang kahungkagan aking damang-dama Nawa bumalik ka na’t huwag mag-antala. |
3
|
Bagam’t batid ko nga Iyong presensya, Subalit sa puso ko’y kulang pa. May pagliliwanag, may pagtutustos. Balik ka na! Siya ko di malubos! Bagamat may kapayapaan sa lo’b, Ngunit nararamdaman ko ang lungkot Kapag may dama akong kasiyahan Puso ko nais makita kang mukhaan. |
4
|
Sinong tinapon ’di hangad bayan niya, Batiin sariling tao di nasa? Anong kaluluwa magkakalimot Anong kaluluwa di maggunita Sino sa bayan niya’y di maggunita Nang Siya’y nasa lupaing banyaga? ’Nong maihambing ng panlupang aliw Sa pagbalik Mo Panginoon magiliw? |
5
|
Makalimutan kaya Iyong pangako? Ika’y babalik ko’y kunin Mo? Subali’t araw at taon naghintay, Pagbabalik Mo ’di pa masilay, Iyong gunitain ang aking paghintay Habang yapak Mong mahal nagbayad Ga’no pang katagal aking paghintay, Nang makita mal’walhati Mong pagsilay? |
6
|
O henerasyon kada henerasyon, Banal Mo’y dumating at yumaon, Pangako Mo maisakatuparan, ’Nong katagal na kapanahunan. Bakit hindi namin maulilinigan Yapak Mo mula sa kalangitan? Dapat bang patagalin ’ming paghintay Bago ihayag glorya’y walang kapantay? |
7
|
Ginunita Mo maraming taon na Ako’y naghintay—’di nag-iisa; Mga banal ng ’raming henerasyon Sum’sama sa Iyong pagbalik ngayon. Mabilis Mong pagbalik tugunan Mo; Di mabilang na luha’t pagsamo; O alingawngaw ng kapanahunan Bumalik ka na aming hiyaw pakinggan! |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?