1
Pagdating ng Panginoon, at trumpeta’y tutunog,
Muling mabubuhay ang natutulog;
Aakyat-may-kagalakan—mga hindi namatay,
Pati katawa’y babaguhing tunay.
Muling mabubuhay ang natutulog;
Aakyat-may-kagalakan—mga hindi namatay,
Pati katawa’y babaguhing tunay.
Pagdating ng Panginoon
Sa Kanyang kal’walhatian,
Tayo’y babaguhing-anyo
Tulad ng mal’walhati Niyang katawan.
Sa Kanyang kal’walhatian,
Tayo’y babaguhing-anyo
Tulad ng mal’walhati Niyang katawan.
2
Pagdating ng Panginoon, magbubukang-liwayway;
Lilipas ang gabi, pagluha’t lumbay.
Mal’walhating mga araw magsisipagsimula;
Mawawala buntong hininga’t sama.
Lilipas ang gabi, pagluha’t lumbay.
Mal’walhating mga araw magsisipagsimula;
Mawawala buntong hininga’t sama.
3
Pagdating ng Panginoon, magniningning ang tala,
Ang nagbabantay ay may gantimpala;
Bilang Araw ng kat’wiran, Pangino’n maghahari;
Habag matanto, lupa’y manauli.
Ang nagbabantay ay may gantimpala;
Bilang Araw ng kat’wiran, Pangino’n maghahari;
Habag matanto, lupa’y manauli.
4
Darating ang Panginoon; magbantay, manalangin,
Maghanda, ilawa’y paliwanagin.
Kaloob ay gamitin; Siya’y paglingkuran nang tapat,
Upang ministeryo’y ating matupad.
Maghanda, ilawa’y paliwanagin.
Kaloob ay gamitin; Siya’y paglingkuran nang tapat,
Upang ministeryo’y ating matupad.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?